Ika-4 na dosis para sa 12-17 age group, naghihintay ng pahintulot ng FDA

0
299

Hiniling ng Department of Health (DOH) sa Food and Drug Administration (FDA) na amyendahan ang Emergency Use Authorization (EUA) ng ilang brand ng Covid-19 vaccine para maibigay ang mga ito bilang booster shot para sa mga batang may edad 12 hanggang 17.

Sa aktibidad ng “ResBakuna Kids and Tourists” noong Sabado sa Baguio City, inihayag ni National Task Force Against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na nagsumite na ng kahilingan ang DOH sa FDA na amyendahan ang EUA ng Pfizer at Moderna jabs.

Sinabi ni Galvez na isinusulong din ng gobyerno ang pagbibigay ng ikaapat na dosis ng bakuna laban sa Covid-19 sa mga piling sektor.

“Hinihiling po namin sa inyo na kapag nag-open na ang ating fourth dose, at nag-open na rin ang booster sa 12 to 17 years old, magpabakuna tayo. Hangga’t maaga, magpabakuna na,” ayon sa kanya sa isang news release.

Hanggang Abril 8, may kabuuang 9,058,466 na may edad 12 hanggang 17 ang ganap na nabakunahan laban sa Covid-19.

Ang aktibidad ng pagbabakuna na ginanap sa isang mall sa Baguio City ay tumuon sa mga batang may edad 5 hanggang 11, gayundin sa mga turista.

Sinabi din ni Galvez na tinitingnan niya ang Baguio na maging modelo ng pagsisikap ng pambansang pamahalaan sa pagbabakuna.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.