Ika-451 Founding Anniversary ng Laguna ipinagdiwang

0
281

Sta. Cruz, Laguna. Sinimulan ni Gobernador Ramil L. Hernandez ang apat na araw ng pagdiriwang ng ika-451 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan ng Laguna sa isang ribbon cutting ceremony ng Laguna Trade Fair and Exhibit kasama si Vice Governor Karen C. Agapay.

Sa temang “LOVE LAGUNA: Pagyamanin, Tangkilikin, at Mahalin ang Sariling Atin,” Itinampok ang mga produkto (food and non-food products) ng lalawigan na ginanap sa provincial capitol parking area sa bayan ng Sta. Cruz.

Sa nabanggit ding araw ay pinangunahan ni Hernandez ang grand launching ng LOVE Laguna, isang programang pang-turismong gagamit ng app at website na may layuning higit pang ipakilala ang Laguna, makahikayat ng mas maraming bisita at magsilbing one stop shop platform sa mga turistang lokal at abroad. 

Noong Hulyo 26-27 ay Idinaos ang “Orientation on Katropa (Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya)” isang pagbibigay parangal sa mga tourism stakeholders at Tourism Officers League of Laguna; Spiritual Upliftment; Orientation on Smoking Cessation; at Orientation on Prostate, kasabay ng libreng gupit at masahe para sa mga kalalakihang kawani ng pamahalaang panlalawigan; at ang Centenarian Awards 2022 para sa 11 Lagunenseng edad 100 taon at higit pa.

Sa mismong kaarawan ika-451 na founding anniversary noong Hulyo 28, 2022 ay idinaos ang Tablea Chocolate Making Contest at closing ceremonies kung saan ay ginanap ang cultural show, pagtatanghal ng mga kawani, awarding ng Laguna Vloggers Competition winners, at pagkilala sa mga kalahok sa trade fair and exhibit. 

Ang trade fair, na nilahukan ng dalawampu’t-dalawang (22) micro small and medium enterprises (MSME) na nagmula sa ibat-ibang bayan ng lalawigan at nagtampok ng sariling gawa ng mga Lagunense. Maaring itong pasyalan hanggang Biyernes, Hulyo 29, 2022.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.