Ika-5 sa sunod-sunod na malakihang taas-presyo sa petrolyo, inaasahan sa susunod na linggo

0
142

Inaasahan na naman ang isa pang big time price increase sa petrolyo na mahigit sa ₱3 na dagdag-presyo sa diesel, ayon sa ulat ng industry sources kahapon.

Ayon sa apat na araw na trading prices, inaasahan na muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, sa ikalimang sunod-sunod na linggo ng oil price hike ang gasolina ay tataas ng 13 hanggang 14 sentimo bawat litro, ang diesel ay tataas ng ₱3.38 bawat litro, at ang kerosene ay tataas ng ₱2.40 bawat litro.

Noong Martes, nagsimula na ang malakihang taas-presyo. Ang mga presyo ng diesel ay tumaas na ng ₱3.50 bawat litro, ang gasolina naman ay tumaas ng ₱2.10 bawat litro, at ang kerosene ay tumaas ng ₱3.25 bawat litro.

Ang monitoring ng Department of Energy sa mga presyo ng petrolyo hanggang Agosto 2 ay nagpakita na ang year-to-date net increase ay umabot na sa ₱11 bawat litro para sa gasolina at ₱3.10 bawat litro para sa diesel.

Samantala, ang presyo ng kerosene ay bumaba ng 10 sentimo bawat litro.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo