Ilan pang sako na may hinihinalang buto ng tao, narekober sa Taal Lake

0
461

MAYNILA. Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na ilang karagdagang sako ang kanilang narekober sa ilalim ng Taal Lake kaugnay ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ayon sa PCG, hindi pa tiyak ng mga awtoridad ang laman ng mga bagong sako ngunit sinisikap ng kanilang mga divers na maiahon ang lahat mula sa ilalim ng lawa.

Una nang sinimulan ng PCG ang search and retrieval operations noong Miyerkules, kung saan isang sako agad ang natagpuan. Ito ay sinasabing naglalaman ng mga hinihinalang sinunog na buto ng tao.

Naka-iskedyul ang mga narekober na buto na isailalim sa forensic examination at DNA testing upang matukoy ang kanilang pinagmulan. “This discovery could represent a significant breakthrough in the ongoing investigation,” ayon sa pahayag ng Department of Justice (DOJ).

Ang unang sako ay natagpuan ng team mula sa PNP-CIDG ilang metro lamang mula sa baybayin, base sa impormasyong iyon umano ang posibleng jump-off point. Samantala, gumamit ng maliliit na bangka ang mga kinatawan ng DOJ at PCG para magsagawa ng mas malalim na pagsisiyasat sa lugar na nasa 100 metro ang layo mula sa dalampasigan.

“The team decided to verify first whether it was human bones or not before releasing the info. When CIDG made the determination, that was when we were comfortable to release the information,” dagdag ng DOJ.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo