Talisay, Batangas. Inaresto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng Environmental Law Enforcement and Protection Service (ELEPS) kamakailan ang isa pang grupo ng mga suspek sa isang anti-illegal quarrying operation sa Taal Volcano Protected Area kamakailan.
Sinabi ni DENR Secretary Roy A. Cimatu na ang mga minerong patuloy na gumagawa ng mga ipinagbabawal na aktibidad ay nangangahulugan na “nananatili silang hindi natatakot sa environmental laws at sa mga kaukulang mga parusa sa paglabag dito.
“These illegal quarrying operations cannot be stopped if we remain complacent with enforcement operations. This is the reason why the DENR has bolstered training for our enforcement personnel, and more reasons why the legislative arm of the government should expedite the Environmental Protection and Enforcement Bureau (EPEB) Bill,” ayon kay Cimatu.
Labing limang iligal na minero ang nahuli sa operasyon ng DENR at kasalukuyang nahaharap sa mga kaso ng paglabag sa Republic Act (RA) 11038 o ang Expanded National Integrated Protected Area Systems (E-NIPAS) Act of 2018, RA 7942 o ang Philippine Mining Act of 1995, Presidential Decree 705 o The Revised Forestry Reform Code of the Philippines, at RA 9275 o ang Clean Water Act.
Nakumpiska sa mga dinakip ang tatlong backhoe, dalawang screener na ginamit upang tukuyin at paghiwalayin ang buhangin at graba, at isang trak na may kargang 127 board feet ng round logs at 122.83 board feet ng tabla.
Natuklasan din ng mga operatiba ng ELEPS na ang lugar ay ginamit bilang isang “firing range” na may mga asul na bariles na puno ng graba at buhangin na nagsisilbing “target papers.” May nakita ring mga bullet slug sa lugar.
Tiniyak ni DENR Undersecretary for Enforcement Benito Antonio De Leon na “gagawin ng ELEPS team ang kanilang makakaya upang maikulong ang mga nagkasala pagkatapos ng operasyong ito.”
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.