STA. CRUZ, Laguna. Nagsama-sama ang mga opisyal ng Integrated Midwives Association of the Philippines Inc. (IMAP) Laguna Chapter mula sa lahat ng bayan at lungsod ng lalawigan sa isang seminar sa Cultural Center sa bayang ito noong Pebrero 28, 2024.
Layunin ng seminar na madagdagan ang kaalaman at kakayahan ng mga midwife sa kasalukuyang panahon, itaguyod ang maayos na kasanayan sa midwifery, at magpatuloy ang magandang ugnayan ng bawat ahensya ng pamahalaan.
Si Dr. Rene Bagamasbad ng Provincial Health Office (PHO) ang nagbigay ng pagbati sa lahat ng nakiisa at dumalo sa nasabing seminar.
Nagbahagi rin ng kanilang kaalaman ang mga kinatawan mula sa IMAP, Inc., Association of Philippine Schools of Midwifery, Inc. (APSOM), Department of Health (DOH) Region 4A, at iba pa.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.