Imbestigasyon ng pulis na namaril ng sasakyan ng Navy sa Palawan, inutos ni Chief PNP Carlos

0
317

Puerto Princesa City, Palawan. Isang pulis ang namaril ng gulong ng multicab ng isang miyembro ng Philippine Navy matapos mag-overtake ito sa isang insidente ng road rage sa lungsod na ito.

Kaugnay nito, niutos ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Dionardo Carlos, kahapons ang imbestigasyon sa pulis na inakusahan ng pagbaril sa sasakyan ng isang Philippine Navy na naganap sa North National Highway ng Barangay Bacungan, Puerto Princesa City, Palawan noong Pebrero 7.

Sa isang pahayag, sinabi ni Carlos na ang suspek na kinilalang si Cpl. John Vincent Ugalde Lontok na nasa kustodiya na ngayon ng pulisya matapos itong sumuko sa Police Station 2 ng Puerto Princesa Police Office (PPCPO) at i-turn over ang inisyu baril na a-9mm Glock 17 na may mga bala. Isasailalim siya sa ballistics examination at paraffin test sa PCPPO Forensic Unit.

Ayon sa mga paunang na ulat, si Ugalde ay sakay ng isang Black Toyota Wigo habang binabagtas ang highway. Biglang nag-overtake sa kanyang sasakyan ang isang multicab ng Philippine Navy na minamaneho ni Christian Bustillo, isang seaman apprentice.

Sinabi ni Bustillo na matapos makalampas sa Wigo, narinig na lamang niya ang sunod-sunod na busina mula sa sasakyan. Narinig niya ang putok ng baril na tumama sa kanang gulong sa likuran ng multicab.

Bukod kay Bustillo, nagtamo ng minor injuries ang isa pang tauhan ng Philippine Navy sa loob ng multi-cab nang tumabob at mabangga ang kanilang service vehicle kasunod ng pamamaril.

Sinabi ni Carlos na ini imbestigahan din ng Internal Service Affairs ng PNP ang insidente.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.