Iminungkahi ng tagapayo ni Duterte na gawing requirement ang booster card sa Hunyo

0
434

Iminungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na mag-require ng card para sa booster shots simula Hunyo ngayong taon upang matiyak na ang mga Pilipinong ganap na nabakunahan ay makakakuha ng kanilang ikatlong dosis ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccine.

Ginawa ni Concepcion ang pahayag dahil nakita ng Department of Health na mababa ang follow-up ng mga Pilipino upang makakuha ng kanilang booster shot laban sa Covid-19.

Ayon sa data ng gobyerno, 11.8 milyong indibidwal lamang sa mahigit 65 milyong tao na nakakumpleto ng kanilang pangunahing Covid-19 na dosis ang nakatanggap ng kanilang booster shot.

“I understand it will take time for them to get the booster but considering that vaccines are now more accessible, people are free to move around, and we have adequate supply. I think two and a half months, or until June, would be enough time to take the boosters,” ayon kay Concepcion, na siya ring founder ng Go Negosyo.

Sinabi ni Concepcion na hindi pa nakikita ng mga Pilipino ang pangangailangan sa booster shot.

Hinihikayat ng mga health experts ang mga fully vaccinated na Pilipino na kumuha ng ikatlong jab dahil ang bisa ng mga pangunahing dosis ay humihinapagkatapos ng apat hanggang anim na buwan pagkatapos makumpleto ang mga unang shot.

“Right now, there is no danger. The danger is in the next semester when the waning immunity might be felt already. And this is not counting the possibility that new variants might emerge,” ayon sa kanya.

Idinagdag ni Concepcion na sa pagtaas ng mobility, lalo na sa panahon ng kampanya, kailangan ng mga Pilipino ang dagdag na proteksyon upang maiwasan ang pagkakaroon ng malala at kritikal na kaso ng Covid-19.

Sinabi niya na ito ay maaaring maging isang “double whammy” kung ang bansa ay magkakaroon ng panibagong pagtaas ng mga kaso dahil ang mga epekto ng Ukraine-Russia conflict at mas mataas na mga presyo ng mga bilihin ay inaasahang magpapatuloy hanggang sa susunod na kalahati ng taon.

Idinagdag niya na ang pagpapabilis ng pagbibigay ng bakuna ay makakaiwas din sa pag-aaksaya ng mga biniling jab.

Sa datos mula sa gobyerno, ang bansa ay mayroong 27 milyong Covid-19 jabs inventory, ayon kay Concepcion.

“Our vaccines will not last until the end of the year and we need to encourage Filipinos to do their duty and take their boosters,” dagdag pa niya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.