Impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos Jr. itinuturing na ‘dead on arrival’ sa Kamara

0
271

MAYNILA — Itinuturing na “dead on arrival” at “basura” sa Kamara de Representantes ang inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng umano’y korapsyon sa 2025 national budget, partikular sa unprogrammed funds.

Ayon kay Senior Deputy Minority Leader at Caloocan City Rep. Edgar Erice, wala umanong sapat na batayan ang reklamo upang ito ay mapatunayan. “It’s dead on arrival, basura, no way na mapo-proved pa ito,” pahayag ni Erice.

Sinabi pa ng mambabatas na bagama’t nagtataka siya sa motibo sa likod ng paghahain ng reklamo, boboto umano siya upang agad itong ibasura sa Kamara.

Ang impeachment complaint ay inihain ni Atty. Andre de Jesus at inindorso ni Pusong Pinoy Partylist Rep. Jernie “Jett” Nisay.

Nang tanungin kung posibleng isa itong kaso ng “impeach me,” sinabi ni Erice na maaari umano itong lumitaw sa isasagawang pagdinig ng Justice Committee, kung saan masusuri ang motibo at mga alegasyon sa reklamo.

Dagdag pa niya, minadali umano ang paghahain ng impeachment at wala siyang nakikitang matibay na ebidensiya maliban sa mga ulat na lumabas sa mga pahayagan. Aniya, malabo rin itong umusad dahil sa umiiral na 1-year bar rule, at binigyang-diin na malapit na ring magtapos ang termino ng Pangulo.

Binigyang-diin din ni Erice na ang mga grounds na nakasaad sa reklamo, kabilang ang mga alegasyon ng kidnapping, ang umano’y pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), at ang paratang ng graft and corruption kaugnay ng P100-bilyong insertions na tinukoy ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, ay mahirap umanong patunayan at itinuring din niyang walang sapat na batayan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo