In-update ng Palasyo ang listahan ng 2003 holidays na may 7 long weekends

0
285

In-update ng Malacañang ang listahan ng mga regular holidays at special non-working days para sa 2023, na nagpapahintulot sa “long weekends.”

Ang Proclamation 90, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Nob. 11, ay nag-amyenda sa Proclamation 42 na nagdeklara ng regular holidays at special non-working days.

“There is a need to adjust these holidays pursuant to the principle of holiday economics wherein a longer weekend will help encourage domestic travel and increase tourism expenditures in the country,” the proclamation read,” ayon sa proklamasyon.

Sa ilalim ng proklamasyon, ang Enero 2, 2023, na papatak sa isang Lunes, ay magiging isang karagdagang espesyal na araw na walang pasok “bilang pagsasaalang-alang sa tradisyon ng mga Pilipino na bisitahin ang mga kamag-anak at paggugol ng oras sa kanilang mga pamilya para sa okasyong ito.”

Ang Enero 1, 2023, ay isa ng regular na holiday sa ilalim ng Proclamation 90.

Inilipat din ng Proclamation 90 ang paggunita sa Araw ng Kagitingan sa Abril 10, 2023, ang pinakamalapit na Lunes sa orihinal nitong petsa, Abril 9, 2023.

“To enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend, Monday, 10 April 2023, in lieu of Sunday, 9 April 2023 may be declared as a non-working holiday, provided that the historical significance of Araw ng Kagitingan is maintained,” ayon sa proklamasyon.

Inilipat din ng proklamasyon ang paggunita sa Araw ni Bonifacio sa Nob. 27, 2023, ang pinakamalapit na Lunes sa orihinal nitong petsa, Nob. 30, 2023.

“Bonifacio Day, which is observed as a regular holiday on November 30 of each year, falls on a Thursday for the year 2023. Pursuant to RA No. [Republic Act No.] 9492, 27 November 2023 (Monday nearest November 30) may be declared as a non-working holiday while 30 November 2023 (Thursday) may be declared as a working day),” ayon pa rin sa binagong proklamasyon.

Ang RA 9492, na nilagdaan bilang batas ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ay naglipat ng regular at special holidays sa pinakamalapit na Lunes.

Regular Holidays

January 1 (Sunday) – New Year’s Day

April 10 (Monday nearest April 9) – Araw ng Kagitingan

April 6 – Maundy Thursday

April 7 – Good Friday

May 1 (Monday) – Labor Day

June 12 (Monday) – Independence Day

August 28 (last Monday of August) – National Heroes Day

November 27 (Monday nearest November 30) – Bonifacio Day

December 25 (Monday) – Christmas Day

December 30 (Saturday) – Rizal Day

Special Non-Working Days

February 25 (Saturday) – EDSA People Power Revolution Anniversary

April 8 – Black Saturday

August 21 (Monday) – Ninoy Aquino Day

November 1 (Wednesday) – All Saints’ Day

December 8 (Friday) – Feast of the Immaculate Concepcion of Mary

December 31 (Sunday) – Last Day of the Year

Additional Special Non-Working Day

January 2 (Monday) – Day after New Year’s Day

November 2 (Thursday) – All Souls’ Day

“All the provisions of Proclamation No. 42, s. 2022, shall remain unchanged, valid, and existing,” the proclamation read.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo