Ina pinatay ng anak na may ‘problema’ sa isip sa Batangas

0
300

TALISAY, Batangas. Pinagtataga ng kanyang sariling anak ang isang 74-anyos na ina habang ito ay natutulog sa kanilang tahanan sa Barangay Aya, bayang ito nitong Martes ng hatinggabi.

Namatay sa ospital ang biktima na si Maria Rizaldo, 74, dahil sa mga malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Kasama rin sa nasugatan ang kanyang kapitbahay na si Genalyn Castillo at ang dalawang anak nito na sina isang 15-anyos na lalaki at isang 13-anyos na babae.

Sa isinagawang pagtugis, naaresto ang suspek na si Oliver Rizaldo, 40, sa kanyang tinutuluyan sa Brgy. Kiling. Ayon sa ulat ni Police Major Billy John Mactal, hepe ng Talisay Municipal Police Station, bigla na lamang umatake ang suspek habang mahimbing na natutulog ang kanyang ina sa sofa ng kanilang tahanan, bandang alas-11:30 ng gabi.

Pagkatapos ng pagsalakay sa kanyang ina, nagtungo rin ng suspek ang bahay ng kanyang pinsang babae na si Genalyn at doon ay pinagtataga rin ang dalawang anak nito.

Sa kasalukuyan, walang malinaw na dahilan ang suspek kung bakit niya nagawa ang ganitong krimen. Natuklasan sa imbestigasyon na mayroon siyang iskedyul na bumisita sa doktor upang magpa­suri sa kanyang mental na kalagayan.

Nahaharap ngayon sa mga kasong Parricide at Multiple Frustrated Murder ang suspek, habang nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.