Inaapura ng gobyerno ang delivery sa PH ng mga Pfizer jab para sa 5-11 taong gulang

0
542

Minamadali ng gobyerno ang delivery ng “minimized microgram” na Pfizer-BioNTech coronavirus vaccines para sa mga batang edad na lima hanggang 11 taong gulang, ayon sa National Task Force (NTF) laban sa Covid-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., noong Miyerkules.

Ayon sa prerecorded Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Galvez na makikipag-usap siya kay Philippine Ambassador to the United States of America Jose “Babe” Romualdez para talakayin ang mabilis na pagdating sa bansa ng Pfizer doses para sa mga bata upang masimulan na silang mabigyan ng proteksyon laban sa kinatatakutang sakit.

“And ipu-pursue natin ang vaccination of children from 5 to 11 years old when they the formulated vaccine arrives,” ayon kay Galvez.

Nauna nang sinabi ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na ang eksaktong iskedyul ng pagbabakuna ng age group na ito ay iaanunsyo sa sandaling dumating ang mga bakunang Covid-19 na angkop para sa kanila at ang mga angkop na syringe nito.

Hindi bababa sa 13.5 milyong mga bata sa ilalim ng edad bracket na ito ang inaasahang makakatanggap ng mas mababang dosis ng Pfizer-BioNTech Covid-19 na bakuna.

Samantala, sinabi ni Galvez na kailangang paigtingin pa ang mga kapasidad ng pagbabakuna ng mga local government units (LGUs) upang mapanatili ang programa sa pagbabakuna sa Covid-19, dahil malapit na ang pambansa at lokal na halalan.

“Our LGUs should remain focused on making the vaccines available to different barangays and cities and maintain their mega sites,” ayon sa kanya.

Hinihikayat ang mga LGU na magtatag ng mga mobile vaccination team sa bawat barangay, katulad na diskarte sa pagbabakuna na ginagawa sa General Santos City.

Sinabi ni Galvez na dapat panatilihin ng mga LGU ang accessible na integridad ng vaccination information system, kabilang ang mga probisyon ng vaccination card, travel authority at iba pa.

Binigyang-diin niya na ang mga “ayaw magpabakuna at ayaw kumuha ng kanilang mga boosters” ay nananatiling pangunahing problema ng gobyerno.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo