Inaasahan ng pamahalaan na magiging mas mababa ang presyo ng bigas sa lalong madaling panahon matapos magsimula ang Department of Agriculture ng mga negosasyon para sa mga kasunduan sa pag-aangkat mula sa Vietnam at India.
Ayon kay Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, nagsimula ang DA sa mga usapan alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Panganiban na nagbigay ng mga tantiya sa presyo ang mga tagapag-export ng Vietnam na mas mababa ng US $30-40 kumpara sa mga tantiyang ibinigay sa kamakailang pulong sa Malacañang.
Dagdag pa ng opisyal ng DA, kasalukuyang nakikipag tulungan ang ahensya sa India “upang payagan ang pag-aangkat (na magpatuloy) sa humanitarian gtounds.”
“This will hopefully pave the way for the country to get better terms for the additional 300,000 to 500,000 MT rice importation for this year. This will help lower the prices of rice as it will further beef up our national inventory which, even without importation, is expected to last for 52 to 57 days by end of 2023,” ayon sa mga salaysay ni Panganiban.
Nauna dito, sinabi ni Marcos na hindi aangkat ng bigas hangga’t may sapat na suplay ng pangunahing pagkain. Binanggit din niya na may sapat na imbentaryo ng bigas ang bansa na tatagal kahit pagkatapos ng phenomenon na El Niño sa susunod na taon.
Noong una, sinabi ni Agriculture Undersecretary Mercedita Sombillo na inaasahang magiging 1.96 milyong metrikong tonelada ang imbentaryong natitirang bigas sa taong ito na sapat para sa 52 na araw.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.