Inaasahan ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon; Nakataas ang Signal No. 1 sa ilang lugar

0
226

Patuloy na magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng shear line sa ilang lugar sa Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kanina.

Sa pinakahuling weather advisory, sinabi ng PAGASA na ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon, at hilagang bahagi ng Quezon kasama ang Polillo Islands ay maaaring makaranas ng flash flood o landslide dahil sa katamtaman sa panaka nakang malakas na ulan.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng isolated rain showers dulot ng localized thunderstorms.

Samantala, huling natunton ang Tropical Depression Obet sa layong 805 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon, na may lakas na hanging aabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kph.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, Babuyan Islands, at hilagang-silangan na bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga).

Ang mga lugar na ito ay maaaring makaranas ng malakas na simoy ng hangin hanggang sa malakas na hangin.

Ang malakas na hangin mula sa hilagang-silangan ay magdudulot ng maalon hanggang sa napakaalon na karagatan sa hilaga, silangan at kanlurang seaboard ng Northern Luzon.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga bangkang pangisda at iba pang maliliit na sasakyang pandagat na huwag makipagsapalaran sa dagat, at ang mga malalaking sasakyang pandagat ay inaalerto din laban sa malalaking alon. (PNA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo