Inaasahan ang rollback sa presyo ng kerosene at diesel ngunit bahagyang tataas ang gasolina

0
163

Inaasahang ang bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo. Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, maaaring bumaba ang presyo ng diesel mula P1.20 hanggang P1.40 kada litro, habang maaaring mabawasan ang presyo ng kerosene mula P1.00 hanggang P1.20 kada litro.

Gayunpaman, inaasahan naman ang bahagayang pagtaas sa presyo ng gasolina, na maaaring magkakahalaga ng P0.25 hanggang P0.50 kada litro.

May malaking impluwensya sa presyo ng petrolyo ang pagpapalakas ng US dollar, na may negatibong epekto sa presyo ng langis sa kasalukuyan.

Karaniwang inaabisuhan ng mga kumpanya ng langis ang publiko ng anumang pagbabago sa presyo tuwing Lunes, at ito’y ipapatupad sa mga gasolinahan simula sa susunod na araw.

Noong Martes, Oktubre 23, tinaasan ng mga kumpanya ng gasolina ang presyo ng diesel ng P1.30 bawat litro, habang nagkaroon ng P0.95 pagtaas bawat litro sa gasolina. Bukod dito, tumaas rin ng P1.25 ang presyo ng kerosene.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo