Inaasahan ng Comelec ang pagdagsa voter registrants sa mga susunod na linggo

0
288

Inaasahang tataas ang mga voter registrants sa mga darating na linggo ng registration period o sa Christmas break, ayon sa Commission on Elections (Comelec). 

“Come the second or third week, the numbers will peak. This is especially with many going home to their provinces to spend the holidays. Hopefully, they will take the opportunity to get registered as voters,” ayon kay Comelec chairperson George Erwin Garcia sa isang statement kanina.

The Commission on Elections (Comelec) said it expects voter registrants to peak in the coming weeks of the registration period or during the Christmas break.

Samantala, hinimok naman ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco ang publiko na magparehistro ng maaga at huwag nang hintayin ang deadline.

This early, we are already urging our countrymen to not wait for the final week of registration. Get registered early to avoid inconvenience,” ayon sa kanya sa isang bukod na statement.

Tiniyak naman ni Garcia na handa silang harapin ang pagdagsa ng mga magpaparehistro sa mga huling araw ng registration period.

Ang panahon ng pagpaparehistro ng mga botante para sa Oktubre 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay nagsimula noong Lunes at tatakbo hanggang Enero 31, 2023.

Inaasahan ng Comelec na may 2 milyong bagong regular at youth voters ang magpaparehistro.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo