Inaasahang pagdami ng vaccinees dahil sa pinaikling interval time ng primary at booster dose, pinaghahandaan sa SPC

0
242

San Pablo City.  Inaasahan ang pagdami ng tao sa mga vaccination sites sa lungsod na ito dahil sa pinaikling interval time ng Primary at booster dose. Upang maiwasan ang pinagsisiksikan, pinapayuhan ang publiko ng sumunod sa mga sumusunod na patakaran:

  • Ang teens at adults na kukuha ng first dose ay kailagang magpa rehistro muna sa link na ito:

TINYURL.COM/SANPABLO1STDOSE

Nakatakdang isagawa first dose para sa teens at adults mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa San Pablo Convention Center sa Brgy. San Jose, nabanggit na lungsod. Dalhin ang mga kailangang requirements.

  • Para sa mga kukuha ng booster dose, importanteng kumuha muna ng appointment sa:

TINYURL.COM/SANPABLO1STDOSE

Ang booster dose ay bukas lamang para sa mga residente ng San Pablo City. Isasagawa ito mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa SM San Pablo. Brgy. San Rafael, nabanggit na lungsod.

Mahigpit na nagpapayo ni San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho ang pagsunod sa minimum public health standards sa mga magpapabakuna sa ilalim ng nabanggit na vaccination program na isasagawa  sa Disyembre 27, 2021.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.