Inabsuwelto ng korte ang drug cases laban vs De Lima

0
125

Ibinasura ng korte ang drug charge laban kay Leila De Lima, isang dating senador na nakulong ng anim na taon isa sa mga kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa marahas na “giyera kontra droga.”

Noong Biyernes, pinawalang sala ng hukuman ang 63 anyos na si De Lima, sa isa sa dalawang natitirang criminal case laban sa kanya, na nagmula sa mga alegasyon ng dating pangulo na tumanggap siya ng suhol mula sa mga na-convict na drug lord upang pondohan ang kanyang pagtakbo bilang senador noong 2016.

Inabsuwelto rin si De Lima, na isang dating secretary of justice, kasama ang isa pang akusado “on the ground of reasonable doubt,” ayon sa pasya ng regional trial court judge na si Abraham Alcantara.

“I had no doubt from the very beginning that I will be acquitted in all the cases the Duterte regime has fabricated against me based on the merits and the strength of my innocence,” ayon Naaresto si De Lima noong 2017 sa mga alegasyon na matagal nang sinasabing imbentado at may pulitikal na motibo. Ang kanyang pagka-aresto ay naganap ilang buwan matapos niyang ilunsad ang imbestigasyon sa senado tungkol sa giyera kontra-droga ni Duterte.

Ngayon, siya ay humihiling ng piyansa para sa ikatlong kaso ng droga at mananatili siyang nakakulong kahit na binasura na ng hukuman ang pinakabagong kaso.

“That’s already two cases down, and one more to go,” she said on Twitter. I am of course happy that with this second acquittal in the three cases filed against me, my release from more than six years of persecution draws nearer. I am extremely grateful to all those who stood by and prayed for me all these years,” ayon sa kanya.

Humihiling ng piyansa si De Lima para sa ikatlo niyang drug case at mananatili siyang nakakulong kahit na binasura na ng hukuman ang dalawa niyang kaso.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo