Inagurasyon ng bagong pasilidad ng Laguna PPO: RD Cruz panauhing pandangal

0
234

Sta. Cruz, Laguna. Pinangunahan ni PBGEN Eliseo DC Cruz, Regional Director ng Police Regional Office Calabarzon kahapon ang pag-unveil ng mga marker ng bagong renovate na mga gusali at opisina ng Laguna Police Provincial Office (PPO) kahapon, sa Camp Paciano Rizal, Barangay Bagumbayan, Bayang ito.

Sa paunang salita ni Deputy Provincial Director for Administration Police Lieutenant Colonel (PLTCOL) Rafael P. Torres, ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat Kay Cruz sa pagbibigay nito ng atensyon na nagresulta sa agad na pagsisimula mga renovation projects na nagpahusay sa working space ng mga tauhan ng Provincial headquarters. Binigyang-diin din niya ang mahusay na disenyo ng mga tanggapan ay nag-ambag sa isang dekalidad, kumportable, at kaaya-ayang workspace na magpapabuti sa kagalingan at motibasyon at nakakaimpluwensya na maging produktibo ng mga pulis.

Kabilang sa mga bagong renovate na gusali ang administration building, PD at Female Quarters at ang Archangel Chapel Belfry. Ang gusali ng administrasyon ay sumasaklaw sa mga bagong renovate na opisina ng Provincial Director, Personnel Administration and Records Management Unit (PARMU), Provincial Community Affairs and Development Unit (PCADU), Police Executive Senior Police Officer (PESPO), Provincial Operations and Management Unit (POMU), at ang Budget and Fiscal Office.

Habang ang ilan sa mga gusali ng Laguna PPO ay nakumpuni na noong mga nakaraang taon, ang proyektong ito ay may pinakamalaking pinakamalawak na saklaw. Ang pagsasaayos ng iba pang gusali at pagtatayo ng iba pang mga opisina ay kasalukuyan pang ginagawa.

Ang bagong ayos na pasilidad ng Laguna Police Provincial Office sa pamamagitan ng mga hakbangin ni Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo ay bahagi ng pagpapatupad ng programa ng PNP sa Intensified Cleanliness Policy o ICP at sa 3D’s Policy o Discipline, Decorum and Distinct in contribution.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni PBGEN CRUZ ang mga hakbangin ng Provincial Director at Laguna PPO sa pagpapabuti ng mga pasilidad at serbisyo nito sa mga mamamayan.

“Patuloy nating gawin ang mga nararapat upang mapataas pa ang kalidad ng serbisyo na ating ibibigay sa ating mamamayan.” ayon kay PBGEN Cruz.

Ang nabanggit na kaganapan ay dinaluhan din ng Regional Staff ng PRO-CALABARZON, Provincial Directors ng Cavite, Batangas, Rizal at Quezon PPO, Binan City lone District Representatives Len Alonte Naguiat, Ms. Maricar A Palacol, Chairperson, Laguna Peace and Order Council at mga Mayor ng mga Lungsod at Munisipyo sa Lalawigan, at DILG Laguna, Provincial Election Supervisor, kinatawan ng 202 Brigade Commander, Philippine Army.

Pinangasiwaan ni PCOL Ranilo A. Datu, Regional Chaplain ng PRO 4A ang pagbabasbas ng mga bagong ayos na pasilidad.

Binigyang-diin ng PCOL Campo na hindi magiging posible ang kanyang mga hakbangin kung wala ang aktibong suporta ng mga stakeholder na ang LGU at ang mga kinatawan ng Kongreso at ang mga local chief executive.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.