Inalis na ng US ang COVID-19 test requirement para sa international travel

0
296

Washington. Inaalis na ng administrasyong Biden ang requirement nito na kailangang lumabas na negatibo sa Covid-19 ang mga international travelers bago sumakay sa isang flight papuntang United States, dito nagtatapos ang mandato ng gobyerno NG US na idinisenyo upang pigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Ang Centers for Disease Control and Prevention ay nag-anunsyo noong Biyernes na nabanggit na requirement ay magtatapos sa madaling araw ng Linggo. Sinabi ng nabanggit na ahensya na patuloy nilang susubaybayan ang estado ng pandemya at muling susuriin ang pangangailangan para testing requirement kung magbabago ang sitwasyon.

Nauna dito, ilang buwan ng hiniling ng mga airline at turismo sa administrasyon ni Biden na alisin ang testing requirement at sinasabi na pinipigilan nito ang mga tao na mag-book ng mga internasyonal na biyahe dahil maaari silang ma-stranded sa ibang bansa kung mahahawa sila ng virus habang daan sa kanilang paglalakbay.

Nakikipagtalo ang mga airline na ang panuntunan ay ipinatupad noong kakaunti pa ang mga Amerikano ang nabakunahan ngunit ngayon, ayon sa anila ay 71% ng mga 5 taong gulang pataas ay ganap na nabakunahan, ayon sa mga numero ng CDC. Nagreklamo din sila na ang mga taong pumapasok sa U.S. sa mga land border ay hindi kinakailangang maging negatibo sa COVID-19 test, bagama’t dapat silang magpakita ng proof of vaccination. (AP)

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.