Inamin ng Russia na nagpaalpas ito ng hypersonic missiles sa Ukraine ng dalawang magkasunod na araw

0
228

Inamin ng Russia na binomba nila ang Ukraine gamit ang hypersonic missiles kahapon sa pangalawang pagkakataon. Unang pinawalan ang Kinzhal ‘dagger’ missile mula noong Biyernes. Ayon sa ulat ng Interfax, umatake ng Russia ang Ukraine gamit ang mga cruise missiles mula sa mga barko sa Black Sea at Caspian Sea.

Sinabi ng Russian defense ministry na sinira  nito ang isang lugar ng imbakan ng armas.

Ayon sa Russian defense ministry, pinatay nito ang mahigit 100 miyembro ng Ukrainian special forces at “foreign mercenary” nang puntiryahin nito ang isang training center sa bayan ng Ovruch sa hilagang Ukraine gamit ang mga sea-based missiles.

“Winasak ng Kinzhal aviation missile system na may hypersonic aeroballistic missiles ang isang malaking underground warehouse na naglalaman ng mga missile at aviation ammunition sa village ng Deliatyn sa rehiyon ng Ivano-Frankivsk,” ayon sa Russian defense ministry noong Sabado, ayon sa AFP.

Ito ang unang paggamit ng Kinzhal hypersonic na armas. Hindi pa inamin ng Russia ang paggamit ng high-precision na sandata sa labanan, ayon sa  state news agency na RIA Novosti.

Ang mga hypersonic missiles ay maaaring maglakbay sa bilis na na mahigit sa limang beses sa bilis ng tunog (five times the speed of sound). Ayon sa mga opisyal ng Russia, ang Kinzhal hypersonic missile ay maaaring tumama sa isang target hanggang sa 2,000km (1,240 milya) ang layo at maaaring lumipad nang mas mabilis kaysa sa 6,000 km/h.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.