Inaprubahan na ng Bicam ang P6.798-T 2026 budget

0
197

MAYNILA — Inaprubahan at inamiyendahan ng bicameral conference committee nitong Linggo ang report ukol sa mga hindi pagkakasundong probisyon ng General Appropriations Bill (GAB), na naglalahad ng P6.793-trilyong pambansang budget para sa 2026.

Ilang mambabatas mula sa Senado at House of Representatives ang lumagda sa GAB sa Philippine International Convention Center, kung saan ginanap ang marathon deliberations.

Inilarawan ni House Committee on Appropriations chairperson Mikaela Suansing ang iminungkahing plano ng paggasta bilang isang “people-centered budget,” na nagbibigay-diin sa transparency at accountability sa proseso ng budget.

“What we want to call this budget is a people-centered budget. In terms of the process, we made sure it was transparent and accountable to the Filipino people, and in terms of the content, we focused on human capital development,” ani Suansing.

Dagdag pa niya, siniguro ng mga mambabatas na lahat ng hindi pagkakasundong probisyon ay napag-usapan ng mabuti.

“We worked hard to make sure that the disagreeing provisions were discussed, leaving no stone unturned. We also wanted the public to see exactly how every peso of taxpayers’ money is allocated,” ani Suansing.

Samantala, pinasalamatan ni Senate Committee on Finance chairperson Sherwin Gatchalian ang mga mambabatas mula sa dalawang kapulungan sa kanilang kooperasyon sa pagsasapinal ng budget.

“Lahat po ay nagtulong-tulong, nagsunog ng kilay para po matapos itong ating pambansang budget,” ani Gatchalian.

Binanggit niya na malaking bahagi ng pondo ang inilaan sa edukasyon, kalusugan, at agrikultura, na itinuturing niyang mahalaga sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

“Makikita natin na malaki po ang pondong inilagay natin sa edukasyon, kalusugan, at sa agrikultura. Dahil naniniwala kami na ang tatlong sektor na ito ay mahalaga sa pagpapaunlad ng atin pong ekonomiya,” dagdag niya.

Nagsimula ang bicameral deliberations noong Disyembre 13 at nagtapos noong Disyembre 18.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na ang bicameral deliberations ay na-livestream online, kasunod ng mga congressional inquiries na naglantad ng insertions ng ilang mambabatas sa bicam level na nagpondohan ng mga kuwestiyonableng proyekto, kabilang ang umano’y anomalous flood control projects.

Ang nilagdaang bicameral report ay ira-ratify ng parehong kapulungan ng Kongreso sa Lunes, Disyembre 29.

“This reconciled version will be uploaded. Once it is ratified tomorrow, it will be immediately posted on the transparency portals,” ani Gatchalian.

Pagkatapos ng ratification, ipapasa ang GAB kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para pirmahan, ayon kay Gatchalian. Ayon naman kay Executive Secretary Ralph Recto, inaasahang pipirma si Marcos Jr. ng General Appropriations Act sa unang linggo ng Enero.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.