Inaprubahan ni Duterte ang P200 buwanang ‘ayuda’ para sa mahihirap na pamilya, pinapanatili ang excise tax sa gasolina

0
244

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng P200 na buwanang allowance o “ayuda” para sa mahihirap na sambahayan sa loob ng isang buong taon upang mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo, ayon sa Malacañang kahaponi.

Sa briefing ng Palasyo, sinabi ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na inaprubahan ni Duterte ang dalawang rekomendasyon ng Department of Finance (DOF) kaugnay ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

“Inaprubahan ng Pangulo ang dalawang rekomendasyon ng DOF kaugnay sa pagtaas ng fuel price,” ayon sa kanya.

“Una, ang pag-retain ng fuel excise taxes na ini-impose ng TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) Law dahil ang pagsuspende nito ay magre-reduce ng government revenue ng P105.9 billion na magpopondo sa mga programa ng pamahalaan. At pangalawa, ang pagbibigay ng targeted subsidies ng P200 bawat household to the bottom 50% of Filipino households,” dagdag pa ni Andanar.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo