Inaresto ng PNP ang 155 suspek, akusado sa isang linggo ng operasyon sa Laguna

0
347

Sta. Cruz, Laguna. Iniulat ng Laguna Police Provincial Office (LPPO) na 155 na suspek ang naaresto sa isang araw na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) laban sa lahat ng uri ng kriminalidad sa lalawigan.

Sinabi ni Laguna Police Provincial Office, Acting Provincial Director, Police Colonel Randy Glenn G. Silvio na ang SACLEO ay isang intel-led simultaneous operation sa buong lalawigan laban sa kriminalidad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng buy-bust, pagpapatupad ng search warrant, at warrant of arrest at pagkumpiska ng loose firearms.

Sa drugs buy bust operation nagsagawa ang Laguna PNP ng limamput anim na operation at nakapag aresto ng anim naput anim na indibidwal at nakumpiska ang 60.0 gramo ng hinihinalang shabu at 49.7 gramo ng Marijuana na nagkakahalaga ng Php 355,831.00.

Nakapagtala ang LPPO ng dalawampu’t siyam na illegal gambling operation at nakadakip ng 22 suspek at nasamsam ang halagang Php 27,594 na perang pantaya.

Dagdag dito, labing siyam na most wanted person at dalawampu’t apat na other wanted person ang nasakote. 

Nakasamsam din ang LPPO ng dalawang loose firearms at nakapag aresto tayo ng dalawang lumabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” 

Ayon kay PCOL SILVIO ang mga nabanggit na pag aresto ng Laguna PNP sa loob ng isang linggo simula Nobyembre 14 – 19, 2022 ay matagumpay na naisakatuparan sa pamamagitan ng aktibong suporta ng mamamayan ng Laguna.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.