Indian national, tropa arestado sa buy-bust

0
132

San Pablo City, Laguna. Arestado ang isang Indian national at isa pang kasama nito matapos mahulihan ng iligal na droga na isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad nitong Huwebes sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga suspek sa pangalang Sawaran, isang Indian national na nakatira sa San Pablo City at isang Alexander na residente ng Calauan, Laguna.

Ayon sa ulat ni Joewie Lucas, hepe ng San Pablo City Police Station, katuwang ang San Pablo City Drug Enforcement Unit (DEU), bandang alas-2:05 ng hapon ng arestuhin ang mga suspek sa Brgy. San Gregorio, sa nabanggit na lungsod.

Nakuha sa mga suspek ang 5 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 2 gramo at tinatayang may street value na P13,500. Kinuha din ang kanilang cell phone, at motorsiklo.

Nakakulong na at nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs ang dalawang suspek na ayon sa pulisya ay parehong nasa street-level individuals (SLI) sa listahan ng San Pablo City police .

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.