Inihahanda ng DOH ang mga guidelines para sa bivalent vax na magagamit sa unang bahagi ng 2023

0
173

Binabalangkas ng Department of Health (DOH) ang mga alituntunin para sa bivalent vaccines laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) habang isinasagawa ang pakikipag-usap sa Moderna at Pfizer, ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kanina.

Kamakailan lamang ay nilagdaan ng DOH ang confidentiality disclosure agreement sa Pfizer habang ang negosasyon sa Moderna ay “mas advanced,” ayon kay Vergeire sa isang presser.

“We will try to procure from both but right now, ‘yong sa Moderna ‘yong nauuna doon sa steps natin sa negotiation,” ayon sa kanya.

Sinabi ni Vergeire na mag-oorder ang DOH ng “minimal na bilang” ng mga dosis na posibleng para sa mga target na priority group at sa susunod ay kukuha pa, depende sa demand.

“Mayroon naman tayong usapan with the manufacturers na kung saka-sakaling nakita natin na tumaas pa ang demand, maaari tayong umorder agad-agad sa kanila at mai-deliver nila agad-agad,” ang paliwanag niya.

Ang DOH, ayon kay Vergeire, ay nag-oorder ng reformulated shots “by the millions.”

Ang Food and Drug Administration ay nagbigay ng awtorisasyon sa emergency use para sa mga bivalent na bakuna ng Pfizer at Moderna, na nagbibigay ng mas malawak na proteksyon laban sa Covid-19 sa pamamagitan ng pagkakaroon ng bahagi ng orihinal na strain ng SARS-CoV-2 at isang bahagi ng variant ng Omicron.

Nauna dito, sinabi ng DOH na target nitong makuha ang bakuna sa unang bahagi ng 2023. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.