Iniimbestigahan ang 10 persons of interest sa pagpatay sa barangay chairman sa Cavite

0
403

Calamba City, Laguna. Sampung tao ang itinuturing na persons of interest ng pulisya hinggil sa pananambang at pagkakapatay kay Brgy.chairman Jaime Alamo sa Bacoor City, Cavite noong Linggo ng gabi.

Sinimulan ng binuong Special Investigation Team ang pagkakakilanlan sa 10 indibidwal na posibleng sangkot sa pagpatay kay Alamo.

“We are currently investigating several individuals and we are also conducting re-tracking investigation, as well as gathering evidence and looking several video footage of close-circuit television camera installed near the crime site and the route of the gunman before and after the crime,” ayon sa isang pulisya na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Ilan sa anggulo ang sinisilip ng pulisya sa motibo ng pagpatay sa biktima ang away sa lupa, trabaho, personal na alitan, at iba pang isyu sa housing association.

Maaalala na noong linggo ng alas-7:40 ng gabi, habang minamaneho ni Alamo ang kanyang Toyota Wigo (DAC-8384) ay nilapitan siya ng dalawang motorsiklona sakay ang mga suspek sa  kahabaan ng Niog Road,Barangay Niog 2, Bacoor City, Cavite at siya ay pagbabarilin.

Ang biktima ay barangay captain ng  Panapaan 8, Meadowood, Bacoor City at pangulo ng Tricycle Operators-Drivers Association (TODA).

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.