Iniimbestigahan ng PNP ang 2 heneral na hinihinalang may kaugnayan sa iligal na droga

0
271

Dalawang opisyal na pulisya ang iniimbestigahan ngayon matapos maaresto ang dalawang anti-narcotics operatives ng pulisya at makuha sa kanila ang halos isang toneladang shabu sa Maynila noong unang bahagi ng buwang kasalukuyan, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. kanina.

Sa press briefing sa Camp Crame, Quezon City, sinabi ni Azurin, gayunpaman, ang pangalan ng dalawang heneral ng pulisya ay lumutang dahil sa diumano ay kaugnayan nila sa police sergeant na nagmamay-ari ng lending agency kung saan nasamsam ang 990 kilo ng shabu noong Oktubre 8.

“They are on floating status. But this is unfair to them because their names are being dragged into this although there are no sufficient pieces of evidence so far. These officers have careers, they worked hard for their careers and that is why we are very careful, we are not mentioning any names,” ayon sa pahayag ni Azurin sa mga reporters.

.Samantala, dalawang police sergeant na nakatalaga sa Drug Enforcement Group ng Philippine National Police (PDEG) ang diumano ay nakapag lusot ng humigit-kumulang 42 kilo ng shabu mula sa 990 kilo ng shabu na nakumpiska sa isang operasyon na isinagawa noong Oktubre 8.

Sinabi ni PDEG chief Brig. Gen. Narciso Domingo ang siya mismo ang nakadiskubre sa insidente matapos suriin ang kuha ng closed circuit television camera (CCTV) bago at pagkatapos ng raid sa Wealth and Personal Development Lending Inc. sa Sta. Cruz, Maynila na pag-aari ni Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr.

Si Mayo ay isang intelligence officer ng PDEG at inaresto matapos makuha din din sa kanya ang hindi bababa sa dalawang kilo ng shabu sa loob ng kanyang sasakyan sa follow-up operation sa Quiapo, Maynila ng madaling araw ng Oktubre 9.

Sa footage, nakitang lumabas ang isang lalaki sa opisina ng lending agency at kalaunan ay nakitang nilo-load ang dalawang bag sa loob ng isang kotse.

Noong hilingin sa isa sa mga sarhento ng pulisya na magpaliwanag hinggil sa insidente, inamin ng pulis na mayroon pang 30 kilo ng shabu sa kanilang pag-aari at sinabi na ang kotse ay pag-aari ng isa pang operatiba ng PDEG.

Noong mag report sa himpilan ng PDEG ang isa pang operatiba ng PDEG, sa halip na iwan na lamang ang mga iligal na droga sa malapit na Camp Crame ay ipinaalam pa niya ito sa kanyang superior.

Sa isinagawang inspeksyon, napag-alaman na may 42 kilo ang naiwan ng operatiba ng PDEG na tinatayang nasa P285.6 milyon ang street value.

“There is an ongoing investigation and as I have said, all those involved, all those whose names would surface in the conduct of the investigation will be held accountable in order to put a stop to the issue of recycling (of illegal drugs),” ayon kay Azurin.

Matapos ang operasyon noong Oktubre 8, sinabi ng PNP na hihilingin ang utos ng korte para sa agarang pag sira sa mga nakumpiskang iligal na droga upang maiwasan ang anumang pagtatangka sa pag-recycle. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.