Iniligtas ng PNP ang 17 mga Malaysian mula sa masamang working conditions

0
223

Kawit, Cavite. Iniligtas ng Philippine National Police (PNP) ang 17 Malaysian nationals mula sa mahihirap na kalagayan sa trabaho sa Klaire One Corp. sa bayang ito, ayon sa report ng PNP noong Sabado.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. ang magkahiwalay na operasyon ay isinagawa noong Biyernes ng Police Regional Intelligence Division 4-A (Calabarzon) at ng Royal Malaysian Police, kasama ang tulong ng Provincial Intelligence Unit, Cavite Police, at Kawit Municipal Police, sa pakikipagtulungan ng Directorate for Intelligence.

Ang mga trabahador na Malaysian ay humingi ng tulong sa mga awtoridad dahil sa kanilang mahirap na kalagayan sa trabaho at nagpahayag na gusto na nilang mag-resign sa nabanggit na kumpanya.

Kinilala ang mga iniligtas na sina Steve Sim Vui Leong, Kong Seeing Hock, Lai Yen Fan, Tiu Yong Yong, Tommy Wong Chiong Ming, Jane Liong Siew Jiun, Chua Wei Tung, Ang Kian Long, Antonio Alex Samuel, Stephen Pang Ying Kwong, Simon Chee Yung Fock, Stephanie Sim Do Do, William Law Hing Liong, Bong Ju Fong, Algyen David, Yaw You Ming, at Jalan Rambai Paya Terubong.

Ipinasa ang ma Malaysians kay Supt. Norazman Hassan Basari, Police Attache ng Malaysian Police, ngayong Sabado ng umaga.

Sinabi ni Acorda na ang matagumpay na magkahiwalay na operasyon ng PNP kasama ang Royal Malaysian Police ay patunay sa kahalagahan ng pandaigdigang kooperasyon sa pagtugon sa mga isyu na may kinalaman sa karapatang pantao at proteksyon ng mga vulnerableng indibidwal.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.