Inilunsad ng DTI-Laguna ang PPG sa San Pedro City

0
315

San Pedro City, Laguna. Inilunsad ng Department of Trade and Industry–Laguna Provincial Office (DTI-Laguna) sa pamamagitan ng Negosyo Center San Pedro City at sa pakikipagtulungan Sa City Cooperative and Livelihood Development Office (CCLDO) ng LGU San Pedro City, Laguna ang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) Program kamakailan sa Pacita Convention Center, Brgy. Pacita 1, lungsod na ito.

Dumalo dito ang 70 benepisyaryo at tinalakay ang mga paksang hinggil sa DTI Programs and Services, PPG Program, How to Start a Business at Salient Features of the Consumer Act of the Philippines.

Nagpasalamat ang mga benepisyaryo sa pagpili sa kanila bilang mga benepisaryo ng nabanggit na livelihood seeding program at sa mga kaalaman sa negosyo na natutuhan nila sa mga serye ng  entrepreneurship trainings. 

Ang PPG program ng DTI ay isang livelihood seeding at entrepreneurship development program para sa mga micro-enterprise na may prayoridad sa mga lugar na apektado ng mga insidente ng sunog at iba pang kalamidad kabilang ang mga sakuna sa kalusugan tulad ng pandemya, at mga indibidwal at negosyo sa National Capital Region na boluntaryong lumipat na sa mga natukoy na rural areas sa ilalim ng Balik Probinsya Program para sa layunin ng pagtatatag o paglilipat ng isang negosyo.

Ang pagbibigay ng mga livelihood kit na nagkakahalaga ng Php8,000.00 bawat benepisyaryo ay itinakda sa Setyembre 2022.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.