Inilunsad ng SpaceX ang 3 turista sa space station sa halagang $55M bawat isa

0
503

CAPE CANAVERAL, Fla. Inilunsad ng spacecraft na SpaceX ang tatlong mayayamang negosyante at ang kanilang astronaut escort sa International Space Station kahapon para sa mahigit isang linggong bakasyon sa outer space, habang ang NASA ay nakikiisa sa Russia sa pagho-host ng mga bisita sa pinakamahal na tourist destination sa mundo.

Ito ang unang pribadong charter flight ng SpaceX patungo sa orbiting lab pagkatapos ng dalawang taon na nagpadala ito ng mga astronaut doon para sa NASA.

Darating sa space station ngayong araw, Sabado, ang isang Amerikano, Canadian at Israeli na may investment, real estate at iba pang kompanya. Nagbayad sila ng $55 milyon bawat isa para sa rocket ride at accommodation, kasama ang lahat ng pagkain.

Ang Russia ay dati ng nagho-host ng mga turista sa space station sa nauna pang Mir station sa loob ng nakalipas na ilang dekada. Noong nakaraang fall, lumipad ang isang Russian movie crew, na sinundan ng Japanese fashion tycoon at ng kanyang assistant.

Kailan lang ay pumasok na rin sa space tourism ang NASA, pagkatapos ng mga taon ng magkakasalungat na mga bisita sa space station.

Kasama rin sa tiket ng tatlong bisita ang access sa buomg station maliban sa bahagi ng Russian space station sa kalawakan dahil kakailanganin nila ng pahintulot ng tatlong cosmonaut na nakasakay doon. Tatlong Amerikano at isang Aleman din ang nakatira doon.

Bago mag biyahe, ang dating astronaut ng NASA na si Michael Lopez-Alegria, ang chaperone ng tatlong space tourists, ay nagplano ng umiwas na  makipag usap tungkol sa pulitika at digmaan sa Ukraine habang siya ay nasa space station.

Ang International Space Station (ISS) ay isang modular space station (habitable artificial satellite) sa mababang orbit ng Earth. Isa itong multinational collaborative project na kinasasangkutan ng limang kalahok na ahensya ng kalawakan: NASA (United States), Roscosmos (Russia), JAXA (Japan), ESA (Europe), at CSA (Canada).

Nakaupo ang SpaceX crew sa Dragon spacecraft noong Biyernes, sa Cape Canaveral, Fla., bago ang kanilang paglulunsad sa International Space Station. Photo credits: AP
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.