Inirekomenda ng ICI na kasuhan ng plunder at bribery si dating Sen. Revilla

0
270

MAYNILA — Inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure o ICI na sampahan ng plunder, direct or indirect bribery, corruption of public officials at iba pang administratibong kaso si dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. at ilang indibidwal kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects sa bansa.

Sa isang pulong balitaan kahapon, sinabi ni ICI chairman Andres Reyes Jr. na isinumite na nila sa Office of the Ombudsman ang referral kasama ang apat na kahon ng ebidensiya. Kabilang sa mga pinapakasuhan ang negosyanteng si Maynard Ngu at iba pang personalidad.

Mariing itinanggi ni Revilla ang mga alegasyon at sinabing walang basehan ang mga paratang laban sa kanya.

Ayon pa kay Reyes, magsusumite sila ng karagdagang ebidensiya laban sa dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, dating Undersecretaries Roberto Bernardo at Catalina Cabral, dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, at dating Bulacan District Engineers Henry Alcantara, Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.

Hihilingin din ng ICI sa Ombudsman na isailalim sa further investigation sina Sen. Chiz Escudero, dating Senators Nancy Binay, Grace Poe at Mark Villar na minsang nagsilbi bilang kalihim ng DPWH.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.