Iniutos ng korte na ilipat si Vhong Navarro sa Taguig City jail

0
553

Iniutos ng Taguig regional trial court ang paglipat ng aktor/telebisyon host na si Ferdinand “Vhong” H. Navarro sa Taguig City Jail, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) kanina.

Sa isang pahayag sa mga newsmen, sinabi ng NBI na natanggap nila ang utos na inilabas ng Regional Trial Court Branch 69 noong Nobyembre 14, na i-commit si Navarro sa male dormitory ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Sasailalim si Navarro sa mandatory medical examination, kabilang ang RT-PCR test bago siya ilipat, bilang pagsunod sa health protocol requirements ng gobyerno.

Noong Setyembre, naglabas si Taguig RTC Branch 69 Presiding Judge Loralie Datahan ng warrant of arrest laban sa aktor sa mga kasong non-bailable rape na inihain ng modelong si Deniece Cornejo.

Kinasuhan ni Cornejo si Navarro ng acts of lasciviousness at rape, na diumano ay magkahiwalay na nangyari noong Enero 2014.

Nauna rito, ang kaso ay nakitaan ng probable cause ni Taguig Metropolitan Trial Court Branch 116 Judge Angela Francesca Din na humantong sa pagkakasakdal kay Navarro para sa kasong acts of lasciviousness na may piyansang PHP36,000.

Sumuko si Navarro sa NBI para sa bailable case ngunit nagulat na lang nang isa pang warrant of arrest ang inilabas laban sa kanya para sa panggagahasa.

Iniutos ng Court of Appeals ang pagsasampa ng mga kaso ng rape at acts of lasciviousness matapos i-dismiss ng Taguig City prosecutor’s office at Department of Justice ang mga reklamo ni Cornejo.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.