Iniutos ng SC ang pagsasara ng mga korte sa 28 pang lugar

0
454

Pinalawak ng Korte Suprema (SC) noong Huwebes ang closure order nito sa mga korte sa sa mga lugar na patuloy ang pagtaas ng mga bagong kaso ng coronavirus.

Ibinaba ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang kautusan sa supplemental Memorandum 10-2022A, matapos maglagay ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ng 28 pang lugar sa ilalim ng Alert Level 3 mula Enero 14 hanggang 31.

Ayon sa utos ng SC, pansamantalang isasara ang mga korte sa Luzon, partikular sa Benguet, Kalinga at Abra sa Cordillera Administrative Region (CAR); La Union, Ilocos Norte at Pangasinan sa Region 1 (Ilocos); Nueva Vizcaya, Isabela at Quirino sa Region 2 (Cagayan Valley); Nueva Ecija at Tarlac sa Region 3 (Central Luzon); Quezon Province sa Region 4-A (Calabarzon); Occidental Mindoro at Oriental Mindoro sa Region 4-B (Mimaropa); at Camarines Sur at Albay sa Region 5 (Bicol).

Sa Visayas, sakop ng memorandum ang Lungsod ng Bacolod, Aklan, Capiz, at Antique sa Region 6 (Western Visayas); Cebu City at Mandaue City sa Region 7 (Central Visayas); at Tacloban City sa Region8 (Eastern Visayas).

Sa Mindanao, isasara din ayon sa kautusan ang Cagayan de Oro City sa Region 10 (Northern Mindanao); Davao City sa Region 11 (Davao); Butuan City at Agusan del Sur sa Caraga; at Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Pinahintulutan din ng memorandum ang Office of the Court Administrator na tugunan ang mga kagyat na alalahanin sa mga korte at pinahintulutan din ang Court of Appeals (CA) na mag-isyu ng naaangkop na mga office orders para sa operasyon ng mga sangay nito sa Cebu at Cagayan de Oro.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.