Intensity 6 na lindol sa may Leyte; NDRRMC nasa Code Red alert

0
744

BOGO CITY — Niyanig na naman ng isang magnitude 6.0 na lindol ang karagatan malapit sa Bogo, Cebu nitong Lunes, Oktubre 13, dakong 1:06 ng madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng ahensya, ang lindol ay tectonic ang pinagmulan at may lalim na 10 kilometro. Iniulat din ng Phivolcs ang sumusunod na instrumental intensities:

  • Intensity V – Villaba, Leyte
  • Intensity IV – Danao, Asturias, Argao City, Talisay, Cebu City, Cebu; Isabel, Leyte; Hilongos, Ormoc City, Abuyog, Leyte; Hinunangan, Southern Leyte

Ayon sa Phivolcs, inaasahan ang mga aftershocks at posibleng pinsala sa mga apektadong lugar.

Ang nasabing lindol ay naganap dalawang linggo matapos ang magnitude 6.9 na lindol na tumama rin sa Bogo, na ikinasawi ng hindi bababa sa 74 katao ang pinakamalakas na lindol na naitala sa hilagang bahagi ng Cebu.

Tatlong araw lamang bago ito, Manay, Davao Oriental naman ang niyanig ng magkakasunod na doublet earthquakes na may magnitudes 7.4 at 6.8, na nagresulta sa pagkasawi ng walo katao. Noong Sabado naman, ang Cagwait, Surigao del Sur ay niyanig din ng magnitude 6.0 na lindol, habang ang Cabangan, Zambales ay nakaranas ng magnitude 5.0 na pagyanig.

Sa harap ng sunod-sunod na lindol, nilinaw ng Department of Science and Technology (DOST) na karaniwan lamang na makapagtala ang Phivolcs ng humigit-kumulang 30 lindol araw-araw sa bansa dahil sa dami ng aktibong fault lines. Ayon pa sa ahensya, nagkaroon na rin sa nakaraan ng serye ng malalakas na lindol sa maikling pagitan ng panahon.

Kaugnay nito, inihayag ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Linggo na itaas sa Code Red ang status ng National Disaster Risk Reduction and Management Center (NDRRMC) Operations Center.

Ayon sa pahayag ng OCD:

“Raising the status to the highest alert level required duty officers from the AFP, the PNP, the Bureau of Fire Protection (BFP), and the Philippine Coast Guard (PCG), as well as technical personnel from the DILG, DSWD, DPWH, and DOH to render duty at the physical operations center in Camp Aguinaldo. Other concerned agencies joined the emergency operations via a virtual platform.”

Ang Code Red alert ay nangangahulugang naka-full activation ang lahat ng response clusters upang agad na makapagsagawa ng coordinated response sa mga apektadong rehiyon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo