MAYNILA. Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na mahigpit nilang babantayan ang lahat ng international ports sa bansa laban sa posibleng pagtakas ng mga respondents sa kaso ng missing sabungeros, kabilang sina negosyanteng Charlie “Atong” Ang, aktres Gretchen Barreto, dating NCRPO chief Jonnel Estomo at 50 iba pa.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, may direktiba na mula kay BI Commissioner Joel Anthony Viado kahit hindi pa natatanggap ang opisyal na immigration lookout bulletin order (ILBO) mula sa Department of Justice (DOJ).
Sina Ang, Barreto, Estomo at iba pang indibidwal ay sinampahan ng reklamong multiple murder at illegal detention ng mga pamilya ng nawawalang sabungeros.
Ani DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Biyernes, natapos na ang evaluation sa mga reklamo at magsasagawa na ang panel of prosecutors ng preliminary investigation upang matukoy kung dapat nang isulong sa korte ang mga kaso.
Sa oras na isagawa ang preliminary investigation, maari nang hilingin ng panel sa korte ang precautionary hold departure orders o PHDOs upang pigilan ang mga respondents na makalabas ng bansa.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





