Interval ng pagbibigay ng booster dose, pinaikli ng DOH

0
311

Inihayag ng Kalihim ng Kalusugan na si Francisco T. Duque III na paiikliin ang pagitan ng pagbibigay ng booster doses, kasunod ng pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA). Ang pinaikling agwat ay magkakabisa simula 22 Disyembre 2021.

Sa ilalim ng bagong patakarang ito, maaaring maibigay na ang mga booster doses sa mga nasa hustong gulang nang hindi bababa sa tatlong buwan pagkatapos ng pangalawang dosis ng primary two-dose vaccine, o hindi bababa sa dalawang buwan pagkatapos maibigay ang primary single-dose vaccine.

“We are exploring all possible options to safely mitigate the effects of more transmissible variants of COVID-19. The approval came at an opportune time as several countries also re-strategized in light of the Omicron and other COVID-19 variants that may emerge,” ayon kay Health Secretary Francisco T. Duque III.

Dagdag pa rito, inulit ng DOH ang kahalagahan ng pagbibigay ng prayoridad sa pagbabakuna sa mga hindi pa nakakatanggap ng kanilang pangunahing serye.

“We call on our local government units to encourage their constituents to get vaccinated, especially the unvaccinated senior citizens and people with underlying medical conditions who are more vulnerable to having severe COVID-19. Ensuring enough coverage of the primary series while adhering to the minimum public health standards are crucial if we want to maintain low to minimal risk classification and have adequate health systems capacities especially during the holiday season.”  dagdag pa ni Sec. Duque.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.