Inulit ng SPCHO ang advisory sa Foot and Mouth disease

0
840

San Pablo City, Laguna. Nagpapaalala si San Pablo City Health Officer James Lee Ho hinggil sa mga sintomas Foot and Mouth Disease.

Magsadya sa pinakamalapit ng Health Center kung ang inyong mga anak ay nakakaranas ng mga sumusunod: 

  • Lagnat
  • Walang ganang kumain
  • Pagkairitable (kalimitan sa mga sanggol at maliliit na bata)
  • Masakit at mapulang rashes o paltos sa bahagi ng kamay, paa at paligid ng bibig
  • Masamang pakiramdam
  • Singaw at masakit na lalamunan

Kung may mga ganitong sintomas ng Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD). Mangyari lamang po na mag report agad sa pinakamalapit na Health Center. Bantayan mabuti ang kondisyon at kaagad na magpakonsulta sa doktor kung magtuluy tuloy ang nabanggit na sintomas, ayon kay Lee Ho.

Maaari mahawa ng foot and mouth disease kung mayroong virus sa mga kamay at pagkatapos ay hinawakan angmga mata, ilong, o bibig. Upang maiwasan ang pagkakataong magkasakit, huwag hawakan ang mga mata, ilong, at bibig ng hindi naghuhugas ng mga kamay, ayon sa kanya.

Ang HFMD ay isang nakakahawang viral infection na karaniwang sakit ng mga sanggol at mga bata.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.