Inutusan ang mga pulis na paigtingin ang pagsugpo sa ‘e-sabong’

0
354

Iutos ni PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano De Leon ng Philippine National Police (PNP) sa lahat ng police commander na paigtingin ang kanilang pagsugpo sa mga ilegal na “e-sabong” operations.

Ang utos ay ibinaba matapos ang mga ulat na diumano ay ang ilang mga online na sabong site ay patuloy na nago-operate ng ilegal.

“Ang operasyon ng e-sabong ay sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, epektibo noong Mayo 3, 2022. Kaya naman, hindi natin dapat pahintulutan ang istilong gerilya na aktibidad ng e-sabong ng mga walang prinsipyong indibidwal at grupo,” ayon kay De Leon.

Sisiguraduhin din nila, ayon sa kanya na walang tauhan ng PNP ang sangkot sa e-sabong operations, player man o collectors ng protection money.

Noong Mayo 16, sinabi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na may mga tumatakbo pa ring ilegal na online sabong sites sa kabila ng utos ni Pangulong Duterte na itigil na ito.

Sinabi ni Jose Tria, vice president ng PAGCOR’s e-Gaming Licensing and Regulation, na binabantayan nila ang mga sumusunod na online sabong websites: pinassabong.live; pclive1.com; sabong-express.net; phbetting.live; goperya.com; phbet44.bet; phbet.bet; phbetr.bet.

Sinabi ni De Leon na nakikipag-ugnayan sila sa PAGCOR para maghanap ng iba pang e-sabong websites na patuloy pa ring nag-o-operate. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.