Ipagpapatuloy ng Comelec ang voters’ registration sa Disyembre 12

0
251

Ipagpapatuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang voters’ registration sa Lunes, Disyembre 12, at pinaalalahanan ang publiko na samantalahin ang iskedyul dahil tatakbo lamang ito ng mahigit na isang buwan.

Sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na ang registration period ay tatakbo hanggang Enero 31, 2023, bilang paghahanda sa December 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Maaaring bumisita ang mga kwalipikadong botante sa opisina ng Comelec sa kanilang mga lungsod at bayan mula Lunes hanggang Sabado, mula 8:00 am hanggang 5:00 pm, ayon kay Laudiangco.

Binanggit niya na may tatlong malls sa labas ng National Capital Region (NCR) na tinangkilik bilang pilot test areas ng Register Anywhere Project (RAP) bukod pa sa limang malls na matatagpuan sa Metro Manila na kayang tumanggap ng mga kwalipikadong aplikante na naninirahan saanman sa Pilipinas ay gaganapin sa Sabado at Linggo lamang sa pagitan ng Disyembre 17 hanggang Enero 22, 2023, maliban sa Disyembre 24, 25 at 31, 2022 at Enero 1, 2023.

“The RAP Pilot Test will be conducted at the following sites: SM Mall of Asia (Pasay City), SM Fairview (Quezon City), SM Southmall (Las Piñas City), Robinson’s Place Manila and Robinson’s Galleria (Quezon City). Additional RAP sites for those who are temporarily in the following areas but want to register and vote in their respective towns and cities outside of these areas, Robinson’s Mall Tacloban, Barangay Baras Baras, Tacloban City; SM City Legazpi, Imelda Roces Avenue, Zone 9, Barangay 37 Bitano, Legazpi City, Albay and Robinson’s Mall Naga, Naga City, Camarines Sur,” ayon sa poll body official sa isang statement na ipinalabas kagabi.

Bukod sa mga malls, maaari ring magparehistro ang mga aplikante sa Senado ng Pilipinas sa Pasay City sa Enero 25, 2023.

Bubuksan din ang RAP sa House of Representatives sa Quezon City at sa Government Service Insurance System (GSIS) Main Office sa Pasay City, bagama’t hindi pa nailalabas ang schedule.

Pinapayuhan ang publiko na tingnan ang mga anunsyo ng Comelec sa pamamagitan ng website ng Comelec na www.comelec.gov.ph at mga opisyal na social media pages (Facebook, Twitter, YouTube, Instagram, Tiktok).

“All types of applications will be accepted: new voter, transfer, reactivation, reinstatement, change/correction of entries, overseas to local registration regarding mall sites and its schedules,” dagdag pa ni Laudiangco..

Pinapayuhan ang mga aplikante na magdala ng mga valid ID tulad ng National ID (PhilSys), pasaporte, lisensya sa pagmamaneho, ID ng trabaho, ID ng mag-aaral o library card na pinirmahan ng pamunuan ng paaralan, kolehiyo o unibersidad, Senior Citizens ID, PWD ID, Indigenous Peoples Certificate mula sa National Commission on Indigenous Peoples, at notarized Barangay Certification na may larawan at pirma ng aplikante.

Upang maging kuwalipikado bilang mga botante sa Barangay, ang mga aplikante ay dapat na 18 taong gulang pataas, mga Pilipinong naninirahan sa Pilipinas ng hindi bababa sa isang taon, at naninirahan sa lugar kung saan siya naghahanap upang magparehistro nang hindi bababa sa anim na buwan bago ang Araw ng Halalan.

Para sa mga botante ng SK, ang mga aplikante ay dapat isang Pilipino, nasa pagitan ng 15 hanggang 30 taong gulang, at naninirahan sa lugar kung saan nais niyang magparehistro ng hindi bababa sa anim na buwan bago sumapit ang Araw ng Halalan. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.