Ipinagbabawal na ng DENR ang pagdadala ng kawayan sa Cavite

0
827

Mga illegal na baklad na yari sa kawayan sa Cavite, giniba

Calamba City. Sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang processing and issuance of transport permits ng kawayan na ginagamit sa pagtatayo ng mga baklad sa mga tubigan sa mga bayan ng Bacoor City, Cavite City, Kawit at Noveleta sa lalawigan ng Cavite, batay memorandum na ipinalabas ni Atty. Juan Miguel T. Cuna, undersecretary ng DENR for Field Operations and Environment noong Nobyembre 8, 2021.

Ayon kay Cuna, ang suspension sa kalakalan ng kawayan ay may kinalaman sa patuloy na rehabilitasyon at restoration marine at coastal ecosystem ng Manila Bay na nakasaad sa Section 3 of Administrative Order No. 16 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, sa ilalim ng kapangyarihan ni  President Rodrigo Roa Duterte noong Pebrero 19, 2019.

“The entry and movement of bamboo for other purposes, including but not limited to construction materials for houses, scaffolding, bridges, fences, and buildings and for furniture shall be allowed,” ayon kay Cuna sa kanyang memorandum.

Batay sa paunang datos na ibinigay ng mga kaukulang local government unit, may kabuuang bilang na 370 na ilegal na baklad sa mga tubigan ng Cavite. Ang 271 ay nasa Cavite City, 97 ang nasa Kawit City at 2 ang nasa Noveleta. Ayon naman sa isinagawang aktwal na  inspeksyon, 949 ang napag alamang ilegal na palaisdaan, 789 in Cavite City at 160 sa Kawit. Ang mga istraktura na ito ay pawang yari sa kawayan.

Noong Nobyembre 4, 2021 ay sinimulan ng Manila Bay Inter Agency Task Force – Cavite Cluster ang demolisyon at paglilinis ng 32 baklad sa Cavite. “Yun lang naman po ang ating intensyon, isaayos, bilang bahagi ng rehabilitasyon ng ating Manila Bay dahil 2008 pa tayo inutusan ng kataas-taasang hukuman ng ating bansa na ibalik ang kalidad ng tubig sa Manila Bay sa Class SB. Ang gagawin natin ngayon ay isa sa mga hakbang upang matulungan nating maibalik sa ganung kalidad”, ayon kay DENR CALABARZON Regional Executive Director Nilo Tamoria . 

Nauna dito, iniutos ni Environment Secretary Roy A. Cimatu sa DENR CALABARZON ang pagsasaayos ng mga ilegal na baklad sa Manila Bay.

Photo credits: PIA
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.