MAYNILA – Pansamantalang ipinagbawal ang importasyon ng live pigs, pork meat, pig skin, at iba pang pork-based products mula Taiwan matapos kumpirmahin ang outbreak ng African swine fever (ASF) sa naturang bansa.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., mahalaga ang hakbang na ito upang protektahan ang multibillion-peso hog industry sa bansa mula sa nakahahawang sakit.
Iniutos ni Tiu Laurel ang agarang suspensyon ng lahat ng imports mula Taiwan, kabilang ang semen para sa artificial insemination. Ang utos ay epektibo kaagad at mananatiling ipinatutupad hanggang sa opisyal na itaas ito.
“Kailangan tayong maging maingat sa pagpigil sa pagpasok ng ASF upang maprotektahan ang trabaho at investments sa swine industry, at matiyak ang food security at kalusugan ng mga consumer,” ani Tiu Laurel, binigyang-diin ang posibleng epekto sa ekonomiya kung muling makapasok at kumalat ang ASF sa lokal na mga farm.
Iniulat ng Taiwan’s veterinary authorities sa World Organization for Animal Health (WOAH) noong Oktubre 25 ang ASF outbreak sa domesticated pigs sa Taichung City. Pinatunayan ng laboratory tests ng Veterinary Research Institute ang impeksyon.
Ayon sa DA, ang aksyon ng bansa ay sumusunod sa WOAH Terrestrial Animal Health Code, na naglalatag ng international guidelines sa ASF prevention at control.
Sa ilalim ng kautusan, awtomatikong nirevoke ang lahat ng dating ibinigay na sanitary at phytosanitary import clearances para sa mga apektadong commodities mula Taiwan. Pansamantalang ipinagbabawal din ang aplikasyon para sa bagong clearances. Inutusan din ang mga veterinary quarantine officers sa lahat ng ports na i-intercept at kumpiskahin ang anumang ipinagbabawal na padala.
Ang mabilis na hakbang ay isinagawa habang patuloy na minamanage ng gobyerno ang mga localized ASF outbreaks sa bansa, na nagdulot ng malalaking pagkalugi sa mga hog raisers at nag-ambag sa mas mataas na presyo ng pork.
Binigyang-diin ng mga opisyal ng agrikultura na ang pagpigil sa pagpasok ng bagong ASF strains ang susi sa pagpapanatili ng stable na hog production at muling pagpapatibay ng kumpiyansa ng mga investor.
Inaasahan na susuportahan ng mga industry groups ang pansamantalang ban, na itinuturing nilang kinakailangang hakbang para maprotektahan ang mga producer at consumer. Kasabay nito, pinapalakas ng mga DA field offices ang biosecurity measures at mino-monitor ang developments sa animal health sa rehiyon upang matiyak ang seguridad ng lokal na pork supply.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






