Ipinagdiriwang ng Laguna ang 2022 Cooperative Month

0
171

Sta. Cruz, Laguna. Pinangunahan ni Laguna Governor Ramil L. Hernandez ang pagdiriwang ng 2022 Cooperative Month na may temang “KooPinas: Nagkakaisang Lakas para sa Makabuluhan at Sama Samang Pag-unlad” sa Laguna Cultural Center noong 26 Oktubre 2022.

Itinampok sa selebrasyon ang Annual Cooperative Leaders Forum na binuo ng Laguna Provincial Cooperative Development Office (PCDO), na nilahukan ng humigit-kumulang 400 pinuno ng kooperatiba at miyembro ng lalawigan kasama si Cooperative Development Authority Asec. Abad Santos at Regional Director Giovanni Platero bilang mga espesyal na panauhin.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Hernandez ang kahalagahan at mga benepisyo ng pagbuo ng mga kooperatiba, at kung paano sila lumilikha ng mga trabaho at nagbubunga ng mga matagumpay na negosyante sa isang komunidad, at ng sa gayon ay makatulong sa pag-unlad ng sosyo-ekonomiko nito.

Dumalo rin sina Laguna 2nd District Representative Ruth Mariano-Hernandez, Provincial Administrator Atty. Dulce H. Rebanal, PCDO Head Engr. Edwin Bautista, at iba pang department head at kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.