SAN PABLO CITY — Pinangunahan ni Congressman Loreto “Amben” Amante ang taunang Christmas tree lighting sa kanyang satellite office sa San Pablo City sa Balagtas Boulevard, bilang paghahatid ng kasiyahan at diwa ng Pasko sa mga residente ng Ikatlong Distrito ng Laguna.
Dumalo sa programa ang mga supporters, miyembro ng media, social media influencers, at ilang city councilor kabilang sina Carmela Acebedo, Chad Pavico, at Ambo Amante. Tampok sa selebrasyon ang mataas na Christmas tree, makukulay na ilaw at dekorasyon at mga aktibidad para sa mga bata.
Tampok din sa selebrasyon ang masasarap na pagkain tulad ng puto bumbong, fishballs, kikiam, squid balls, popcorn, at iba pang Christmas street foods para sa lahat ng dumalo.
Sa kanyang talumpati, binigyang bati ni Congressman Amante ang komunidad. “Nais ko pong batiin ang lahat sa Ikatlong Distrito ng Laguna ng isang masaya at mapayapang Pasko,” aniya, kasabay ng pagpapahayag ng pakikiramay sa mga naapektuhan ng kamakailang bagyo at lindol sa bansa.
Kasama niya ay kanilang mga anak, namahagi ang kanyang maybahay na si Barangay Chairman Madette Amante ng mga regalo sa mga batang nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development, pati na rin ng Jollibee food packs sa mga batang nag-enjoy sa simulated snow effects sa programa.
Ang taunang selebrasyon na ito ay naging tradisyon ni Congressman Amben upang pagtibayin ang samahan ng pamilya, kabataan, at komunidad, habang pinapalaganap ang diwa ng pagbibigayan sa kapaskuhan.

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






