Ipinamahagi ng DOH ang mga bivalent Covid vaccines

0
179

Ipinamahagi ng Department of Health (DOH0 ang 390,000 bivalent vaccine laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) na donasyon ng Lithuania.

Binanggit ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa isang briefing sa Palasyo kahapon na ang karamihan sa mga bakuna ay ipinamahagi sa National Capital Region habang ang iba naman ay ibinahagi sa iba’t ibang rehiyon.

Ang mga matatanda, mga may co-morbidity, at health care workers ang mga prayoridad sa pagbabakuna gamit ang bivalent vaccine bilang booster shots, ayon sa ulat.

Ang mga prayoridad na populasyon ay dapat mabakunahan kaagad dahil ang mga bivalent na dosis ay may anim na buwang shelf-life mula sa araw ng delivery, ayon kay Herbosa. 

Bagaman idineklara na ng World Health Organization na ang Covid-19 ay hindi na isang pampublikong krisis sa kalusugan, ipinunto ni Herbosa na hindi dapat maging kampante ang publiko sa pakikipaglaban sa virus at dapat silang magpabakuna o tumanggap ng booster shots.

Ipinaliwanag niya na ang pagkakasakit ay maaaring magdulot pa rin ng kamatayan, lalo na sa mga taong may co-morbidity. 

Sa pag amin na hindi sapat ang mga dumating na donasyong bakuna, sinabi niya na ang DOH ay nakikipag-usap upang makakuha ng karagdagang donasyon at pinag-iisipang mag-angkat ng karagdagang bakuna.

Gayunpaman, may mga “hadlang at isyu,” na maaaring magpabagal sa proseso ng pangangalap ng bakuna, aniya.

Nauna dito, iniulat ng DOH na darating ang 1.002 milyong dosis ng bivalent na bakunang  Pfizer mula sa COVAX Facility sa Marso.

Dahil sa pagtapos ng deklarasyon ng state of calamity dahil sa Covid-19, ang mga clauses on indemnification and immunity from liability sugnay na matatagpuan sa mga kasunduan sa mga bansa at/o mga manufacturer na nag-donate ay nanatiling mga hadlang sa paghahatid ng mga donasyong bivalent vaccine.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.