Ipinroklama si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahapon bilang ika-17 na pangulo ng Republika ng Pilipinas matapos ideklara ng Kongreso, na nakaupo bilang National Board of Canvassers, na siyang nagwagi sa laban sa pagkapangulo sa Eleksyon 2022.
Ipinroklama rin ng Kongreso ang running mate ni Marcos at anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte bilang bagong bise presidente.
Si Marcos, na tumakbo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas at nangampanya sa plataporma ng pagkakaisa, ay nakakuha ng 31,629,783 na boto batay sa opisyal na tally para sa presidential race.
Nanalo si Duterte sa botohan na may 32,208,417 na boto. (Senate of the Philippines)
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo