Iprinoklama ng Comelec si Hernandez bilang nagwaging Gobernador sa Laguna

0
469

Sta. Cruz, Laguna. Iprinoklama ng Commission on Elections (COMELEC) si incumbent Laguna Governor Ramil L. Hernandez bilang nagwagi sa pagka gobernador ng Laguna sa katatapos lang na national at local elections sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall in Santa Cruz, Laguna kanina.

Nakakuha ng 872,378 boto si Hernandez laban sa kanyang pinakamalapit na katunggali na si Sol Aragones (NP) na kumuha ng 629,684 na boto.

Pinangunahan ni Provincial Election Supervisor Atty. Arnulfo H. Pioquinto bilang Chair ang ginanap na proklamasyon saksi sina Provincial Prosecutor Atty. Ma.Victoria C. Dado bilang Pangalawang Tagapangulo, at Deped Laguna Schools Division Superintendent (SDS) Dr. Marites A. Ibañez bilang Member-Secretary.

Iprinoklama rin sa nabanggit na kaganapan sina Bise Gobernador Atty. Karen Agapay, Ruth Mariano Hernandez bilang Kinatawan ng 2nd District ng Laguna, at iba pamga kinatawan at miyembro ng lupon ng apat na distrito ng Laguna.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo