Isa ang patay, pulis sugatan sa Oplan Sita na nauwi sa barilan

0
422

BARAS. Rizal. Dead on the spot ang isang lalaki samantalang sugatan naman ang isang pulis sa isang barilan habang nagsasagawa ng Oplan Sita sa isang checkpoint noong Biyernes ng gabi Sagbat-Pililia road sa Barangay Tandang Kutyo, bayang ito.

Ayon kay Police Captain Mariesol Tactaquin, spokesman ng Rizal Police Provincial Office, patuloy ang imbestigasyon upang kilalanin ang napatay. Kinilala naman ang pulis na nasugatan na si Police Corporal Buenaventura ng Baras Municipal Police Station.

Ayon kay Tactaquin na may suot na bulletproof vest si Buenaventura nang tamaan ito ng bala sa katawan. Dahil dito, nakaganti siya ng putok sa dalawang armadong suspek na ikinamatay ng isa sa mga ito.

Batay sa paunang imbestigasyon, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga elemento ng Baras Police Station sa pangunguna ni Patrolman Rey Dolendo, dumating ang dalawang hindi kilalang suspek sakay ng motorsiklo. Pinara sila ng mga pulis para sa ilang katanungan subalit biglang humarurot ng takbo ang kanilang motorsiklo at pinaputukan ang mga pulis.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.