Isang milyong dosis ng biniling Pfizer COVID-19 vaccine, dumating sa PH

0
227

Dumating ang mahigit na isang milyong doses ng Pfizer vaccine sa bansa, ayon kay Dr. Teodoro Herbosa, special adviser of the National Task Force against COVID-19.

Ang 1,082,250 doses ng bakuna na bagong dating ay binili ng bansa sa American pharmaceutical company na Pfizer BioNTech. Nasa 145 milyon doses ng Covid-19 vaccines na natatanggap ng bansa dahil sa pinakahuling nabanggit na delivery.

Noong nakaraang Miyerkules ay dumating din ang 1.9M na dosis ng AstraZeneca na donasyon ng France.

Sinabi rin Herbosa na kabilang ang Pilipinas sa 195 na bansa na nagpapatupad ng malawakang programa sa pagbabakuna kagaya ng katatapos lang na National Vaccination Days.

“The fact that we have [more than] 4 million in two days, the fact that many people are lining up in the vaccination sites. I think that’s also great. Filipinos joining together. It’s the bayanihan spirit in action. I was happy to see the pictures of uniformed personnel, NGOs, and the religious sector, and all,” ayon kay Herbosa.

Umabot sa kabuuang bilang na 145,407,920 dosis na bakuna mula sa iba’t ibang manufacturer ang dumating sa bansa mula noong Pebrero, ayon pa rin sa report.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.