Isko Moreno, nag-concede na kay Marcos Jr.

0
317

Tinanggap na ni Aksyon Demokratiko standard-bearer Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagkatalo kanina at binati si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nangunguna sa presidential race sa Mayo 9 ng may malawak na margin.

Nagpahayag din siya ng pagbati sa pamilya ng front-runner sa halalan sa pagiging top choice ng mga botanteng Pilipino.

Hinimok din ni Domagoso ang lahat ng Pilipino na suportahan ang papasok na administrasyong Marcos upang matiyak ang tagumpay nito.

“Ngayon naman po mga kababayan, nakikinita na po natin at malapit na rin po yan maging opisyal na meron na pong pinili ang taumbayan. Sa kasalukuyan po, nais kong batiin si dating senador Ferdinand Marcos (Jr.) sa kanyang patuloy na pangunguna,” ayon sa kanya sa isang Facebook live stream kanina.

Nagpasalamat din si Domagoso sa kanyang pamilya, mga taga suporta, at mga volunteers sa pagsama sa kanya hanggang sa natapos ang kanyang kampanya sa pagkapangulo.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo